
Pumanaw na ang batikan at award-winning director na si Peque Gallaga, nitong Huwebes, May 7.
Sumakabilang-buhay ang premyadong direktor sa edad na 76 sa Riverside Medical Center sa Bacolod City.
Sa ipinadalang official statement ng pamilya ni Direk Peque, inalala nila ito bilang isang “visionary director and artist; a loving husband, father, and grandfather; a dear friend.”
Minabuti ng pamilya niya na wala munang funeral service bilang pag-iingat din sa banta ng COVID-19.
Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga artistang naging katrabaho at kaibigan niya gaya na lamang ng aktor na si Gardo Versoza.
“Ang pagkakakilala ko kay Direk, napakasarap niyang katrabaho. Malambing sa set. Istrikto pero hindi mo mararamdaman 'yung takot sa kanya, palaging masaya. Magaan 'yung set niya at marami kang matututunan,” aniya.
Kabilang din sa mga celebrities na nagbigay-pugay kay Direk Peque at sa kanyang mga obra sina Tom Rodriguez, Solenn Heussaf, Anne Curtis, at Janice de Belen.
More celebrities mourn the death of Director Peque Gallaga
Si Direk Peque ang personalidad sa likod ng mga de-kalibreng pelikulang “Oro, Plata, Mata,” “Tiyanak,” “Sonata,” “Seduction,” at marami pang iba.
Panoorin ang buong 24 Oras report: