GMA Logo Gardo Versoza
source: gardo_versoza/IG
What's Hot

Gardo Versoza, binisita ang puntod ni Nora Aunor

By Kristian Eric Javier
Published May 4, 2025 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Gardo Versoza


Nagbahagi ng magandang balita si Gardo Versoza sa kaniyang kumare na si Nora Aunor na sigurado umanong ikatutuwa nito.

Binisita kamakailan lang ng seasoned actor na si Gardo Versoza ang puntod ng kaniyang kumare na si Superstar Nora Aunor.

Sa kaniyang TikTok video, nag-iwan ng mensahe si Gardo kay Nora, at ipinaalam dito ang tungkol sa proyektong ginagawa nila ngayon ni Direk Joel Lamangan. Aniya, inspirasyon niya sa kaniyang role ang yumaong Superstar.

“May ginagawa kami ngayon nila Direk Joel Lamangan at ikaw ang inspirasyon ko du'n sa role na ginagampanan ko, sabi ng aktor.

Sigurado rin umano ang aktor na matutuwa si Nora sa ginagawa nilang proyekto dahil gustong-gusto nito umano ang tema ng kanilang bagong pelikula.

“Gustong-gusto mo gawin, gustong-gusto mo 'yung mga eksena natin. May isang eksena du'n na nag-160/100 [blood pressure ko] dahil marubdob 'yung eksena pero alam kong it was all worth it,” sabi ng aktor.

Pagtatapos ng aktor, “Anyway, rest in eternal peace. Miss you so much, mare koy, pati 'yung pagkanta natin ng 'I Left My Heart in San Francisco.' Love you, mare.”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA INALALA SI SUPERSTAR NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na pumanaw si Nora noong April 16 sa edad na 71. Kinumpirma ito ng anak niyang si Ian De Leon sa isang Facebook post.

Sulat ni Ian, “She was the heart of our family -- a source of unconditional love, strength, and warmth. Her kindness, wisdom, and beautiful spirit touched everyone who knew her. She will be missed beyond words and remembered forever.”

Noong April 22, inihatid na ang yumaong Superstar sa kaniyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Inilibing si Nora sa Section 13 kasama ang ibang national artists at scientists, at katabi ang direktor ng pelikula niyang Himala na si Ishmael Bernal.