
Simula noong mag-community quarantine, maraming celebrities ang nahilig sa paggawa ng videos sa TikTok upang makapagpasaya ng fans.
Kung ang iba ay simple dance covers lang ang ginagawa, iniba ito ni Gardo Versoza nang magsuot siya ng heels at short shorts habang nagsasayaw.
@gardo_versoza_cupcake #ricochallenge special participation of BRUNO d cat 😂😘🧁🥰
♬ Rico Rico - johmomusic
"Sabi ko parang kailangan lumevel-up so hanggang napunta sa stiletto," saad ni Gardo sa interview ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras.
"'Yung ngayon, parang platform na tapos mga eight inches na siya."
Binuking rin ni Gardo ang kanyang sarili nang aminin niyang parami na nang parami ang kanyang collection ng high heels, na bigay mismo ng kanyang asawa.
"Palagay ko babae ako sa past life, e."
Kasama rin si Gardo sa highly-anticipated primetime show ng GMA na First Yaya kung saan ginagampanan niya ang congressman na si Luis Prado.
Seryoso man ang kanyang karakter, lumalabas pa rin ang kakulitan ni Gardo sa likod ng camera.
Panoorin ang nakakatuwang TikTok videos ni Gardo sa report ni Aubrey:
Mapapanood na sa Lunes, March 15, ang First Yaya sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Kilalanin ang iba pang mga karakter ng First Yaya dito: