GMA Logo gardo versoza
What's on TV

Gardo Versoza, tampok sa 'Tadhana: Pamilya'

By Bianca Geli
Published December 28, 2025 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

gardo versoza


Isang amang nagtatrabaho bilang domestic helper para sa kanyang mga anak, inaabuso na pala sa Pilipinas

Isang mabigat at emosyonal na kwento ng sakripisyo at pagmamahal ng isang ama ang tampok sa pinakabagong episode ng Tadhana na "Pamana." Ginampanan ni Gardo Versoza ang papel ni Miong, isang ama na napilitang magtrabaho sa Bahamas matapos pumanaw ang kanyang asawa.

Habang nasa ibang bansa si Miong upang matustusan ang kinabukasan ng kanyang mga anak, naiwan ang mga ito sa pangangalaga ng kamag-anak ng kanyang yumaong misis, na kalaunan ay mabubunyag na abusado.

Sa kabila ng layo at hirap ng buhay bilang isang OFW, patuloy na pinanghawakan ni Miong ang pag-asang muling mabubuo ang kanyang pamilya at mapoprotektahan ang kanyang mga anak mula sa pang-aabuso.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagbukas ng pagkakataon kay Miong para makapiling nang muli ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Hindi rin naging madali ang pagbabalik ni Miong sa Pilipinas nang mabisto ang pang-aabuso sa kanyang mga anak. Ngunit bilang isang ama, buong tapang niyang ipinagtanggol ang kanyang mga anak laban sa mapang-aping tiya, pinatunayan na ang tunay na lakas ng isang magulang ay nagmumula sa wagas na pagmamahal.

Sa episode na ito, tinalakay rin ang mga hamong kinakaharap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), kabilang ang mga maling paratang, sakripisyong hindi makita ng iba, at ang sakit ng mga sandaling hindi nila kayang uwian, tulad ng hindi pagdalo sa graduation ng sariling anak dahil sa responsibilidad sa trabaho at sa among may karamdaman.

Mapapanood ang Tadhana tuwing Sabado, alas-3 ng hapon sa GMA Network. Para sa buong episodes, mag-subscribe sa youtube.com/gmapublicaffairs.

Balikan ang "Pamana" episode ng Tadhana: