
Hindi pa rin makapaniwala si former Clasher Garrett Bolden na nakakasama na niya sa same stage ang nagninining na performers ng GMA via Studio 7.
Kuwento niya, "Lalo na po sa first taping namin, ako po, personally, para po akong na-starstruck kasi parang dumadaan lang sila ng normal.
“'Tapos kami feeling namin parang may laban kami mamaya, kung ano 'yung feeling namin The Clash pa rin 'yung kakantahan namin--kabado po, sobra.
“Pero nung nag-start na po kami mag-tape ng mga performances namin, parang na-feel at home po kami kasi mababait po silang lahat."
Ibinahagi rin si Garrett sa nararamdaman niya ngayong pumirma na siya ng kontrata sa GMA Artist Center.
Aniya, "'Tsaka, ayun po. Nandito pa rin kami sa point na hindi kami makapaniwala na we're doing this already, na nandito na kami, nag-sign na kami sa GMA. So, we're so pumped."