
Isang maagang Valentine's Day celebration ang hatid ngayong Huwebes (February 12) sa fun noontime program na It's Showtime!
Puno ng kilig ang madlang people sa harana ng Kapuso star at Korea's Veiled Cup semi-finalist na si Garrett Bolden.
Naantig ang mga puso ng manonood nang awitin ni Garrett ang single ni Rick Price na “Heaven Knows” at ang “Nothing's Gonna Change My Love for You” ni George Benson.
Puno rin ng energy si Garrett nang batiin ang madlang people at masaya niyang ikinuwento ang hindi malilimutang singing competition journey sa South Korea.
"Actually po noong una wala talaga akong plan sumali sa competition. Pero noong tinanong ko 'yung self ko kung gusto ko ulit subukan," kwento niya. "Ang sarap ng experience kasi maliban sa naka-compete ulit ako, may mga na-meet ako na mga ibang Asian singers din from different countries. So sobrang thankful ako sa experience na iyon."
Maliban sa kanyang on-stage experience, masaya rin si Garrett na bumisita sa bansa at makatikim ng mga pagkain doon. Paborito niya raw ang japchae at hindi niya malilimutan ang mga mababait na Koreans na nakasama niya.
Nakasama rin ni Garrett ang dalawang Kapuso singers na sina Thea Astley at Arabella Dela Cruz sa Korean program.
Ayon kay Garrett, labis niyang ipinagmamalaki ang talento ng Pilipino lalo na't nanalo si Arabella bilang grand champion sa kompetisyon.
"Sobrang galing talaga ng Pinoy pagdating sa kantahan," aniya.
Sa huli, nagpasalamat si Garrett sa pagkakataong makabalik sa It's Showtime, kasama ngayon ang kanyang banda na Accento.
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Kilalanin pa si Garrett Bolden sa gallery na ito: