
Humanga ang actor at host na si Vice Ganda sa husay sa pag-awit ng Kapuso singer na si Garrett Bolden.
Napanood si Garrett Bolden sa noontime variety show na It's Showtime ngayong Biyernes at pinuri siya ng Unkabogable Star matapos mapanood ang clip ng kanyang performance sa international singing competition na Veiled Cup.
Ayon kay Vice Ganda, nagandahan siya sa version ni Garrett ng kantang "Nothing's Gonna Change My Love For You" sa nasabing kompetisyon. Katunayan, napa-sample pa ang Kapuso singer ng ilang linya ng kanta para sa Madlang People.
"Hanapin n'yo sa TikTok 'yung full performance niya, napakagaling. Ang ganda, na-proud ako nang sobra. Ang ganda, ganda. Philippines represent," ani ng It's Showtime mainstay.
Samantala, ibinahagi ni Garrett sa Instagram na siya'y naka-advance sa semi-finals ng Veiled Cup.
"We made it to the Semis! Sharing a snippet of the commentaries after my performance. Let's go Team Philippines," sulat niya.
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Get to know Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden