GMA Logo gary estrada ang chesca diaz
Source: cheskadimorales (Instagram)
What's on TV

Gary Estrada remains friends with ex-partner Chesca Diaz: 'It ended well'

By Jimboy Napoles
Published May 20, 2024 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

gary estrada ang chesca diaz


Proud na sinabi ni Gary Estrada na 28 years na silang co-parenting ni Cheska Diaz sa kanilang anak na si Kiko Estrada.

“Magkaibigan kami. Definitely. It ended well.”

Iyan ang naging pahayag ng batikang aktor at newly-signed Sparkle artist na si Gary Estrada tungkol sa kaniyang ex-partner na si Chesca Diaz. Nabanggit niya ito nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, May 20.

Kuwento ni Gary sa King of Talk na si Boy Abunda, 28 years na silang co-parent ni Chesca sa kanilang anak na si Kiko Estrada at nananatili naman silang magkaibigan.

Aniya, “Actually, wala naman kaming masyadong pinag-aawayan. Wala naman kaming masyadong pinag-uusapan. Dahil unang-una, she's married now and I'm married also. 'Pag may problemang malaki na lang siguro 'yung anak namin.”

Si Gary Estrada ay kasal sa aktres na si Bernadette Allyson. Sila ay may tatlong anak na babae na sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina.

Bukod kay Chesca, masaya rin si Gary sa bagong buhay din ngayon ng dati rin niyang naging kasintahan na si Donita Rose na ikinasal na rin kamakailan kay Felson Palad.

“I'm happy for her,” ani Gary tungkol Donita.

Ayon naman sa aktor, magiging open naman siya sa kaniyang mga anak sakaling malaman ng mga ito ang kaniyang past relationships.

Aniya, “Kasi ako, hindi na para pag-usapan, e. Pero 'pag it comes out, malalaman nila, I won't deny it. It's part of me. It's part of who I am.”