GMA Logo Gary Valenciano
What's on TV

Gary Valenciano, sa pagbabago ng kaniyang career: 'It's time to transition into... a higher calling'

By Jimboy Napoles
Published April 23, 2024 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

GTV airs the NCAA Season 101 Cheerleading Competition this Thursday
Iran's new supreme leader 'safe and sound' despite war injury reports: president's son
Atom Araullo on doing documentaries: "It's a collaboration"

Article Inside Page


Showbiz News

Gary Valenciano


Magre-retire na nga ba ang binansagang “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano?

Kasabay ng kaniyang 40th anniversary sa industriya bilang isang matagumpay na singer, isang three-day concert ang gagawin ni Gary Valenciano na pinamagatang “Mr. Pure Energy: One Last Time.”

Marami sa kaniyang fans ang naintriga sa title ng naturang concert kaya lumabas ang mga haka-hakang magre-retire na ang batikang singer-performer.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinagot naman ni Gary ang mga tanong tungkol sa kaniyang concert at ang di umano'y kaniyang pagreretiro.

“'Mr. Pure Energy: One Last Time.' Bakit 'yan ang titulo na iyong napili?” tanong ng TV host na si Boy Abunda kay Gary.

Birong sagot naman ni Gary, “Medyo mahaba-haba 'yung explanation kung bakit. Imbes na ikuwento ko, manood na lang kayo ng concert dahil doon ko i-e-explain lahat.”

Pero paglilinaw niya, hindi pa ito ang kaniyang huling concert, bagkus ay isa lamang transition sa bago niyang gagawin sa kaniyang karera.

Aniya, “But really, I think it's time to transition into what I believe is a higher calling with regard to the talent na naibigay sa akin and that's really to inspire more people now than more than ever before.”

“So, we're taking this chance to say, 'No, Gary is not saying goodbye,' this is a transition moving towards something,” paglilinaw din ni Boy.

“Yes,” pagsang-ayon naman ni Gary.

Ipinaliwanag din ni Mr. Pure Energy, ang kaniyang pagkakaroon ng interes na mag-perform sa mas maliliit na venue.

Aniya, “It's more intimate venue. So, hindi 'yung tipong venue na 800 people, 500 people, puwede rin. But I'm open to performing. It's just that at my age, medyo mahirap i-match 'yung passion in my head at 'yung katawan. Medyo mahirap na 'yun.”

Ayon kay Gary, masasagot lahat ng katanungan ng kaniyang fans sa kaniyang nalalapit na concert.

“Sa concert, Tito Boy, I'm going to explain in the most detailed fashion kung bakit. Sana pag-uwi ng [mga] tao... it maybe sad but then it's hopeful kasi meron pa, e,” ani Gary.

Gaganapin ang “Mr. Pure Energy: One Last Time” concert sa April 26, 27, at May 10 sa Mall of Asia Arena. Ang anak ni Gary Valenciano na si Paolo Valenciano ang mismong direktor ng concert.