
Ilang raw na ang lumipas simula nang matapos ang MGI All Stars pageant, pero puno pa rin ng pasasalamat ang Sparkle artist na si Gazini Ganados sa kanyang experience sa pageant.
Nag-upload ng mga picture mula sa MGI All Stars pageant sa kanyang Instagram si Gazini, at sa caption ay sinabi niya na puno siya ng pasasalamat para sa kanyang experience. Ayon sa kanya, pinaalala ng MGI All Stars pageant kung bakit siya nagsimula mag-pageant. Pinasalamatan din niya ang lahat ng sumuporta sa kanya at sinabi na ang kanilang pag-ibig, suporta, at paniniwala ang nagdala sa kanya kung nasaan siya ngayon.
Lumaban sa MGI All Stars sa Thailand si Gazini nitong nakaraang buwan. Nakaabot siya hanggang sa top five. Si Vanessa Pulgarin ng Colombia ang nagwagi sa pinaka-unang MGI All Stars pageant.
Natapos ang pageant journey ni Gazini Ganados sa top five dahil sa epekto ng audience votes sa ranking. Si Gazini, kasama si Faith Maria Porter at Mariana Beckova ng Czech Republic ang top three anon sa score ng mag hurado.
Agaw-atensyon si Gazini sa buong kompetisyon. Naging parte siya ng top 10 ng MGI All Stars live results, with a summary score of 6.40.
Nasa top 20 din siya ng MGI All Stars Portrait Challenge.
Sa MGI All Stars sashing ceremony, agaw-atensyon si Gazini habang suot ang isang golden bikini, at isang dress na gala ng designer na si Pam O' Keefe. Sa nanyang caption sa Instagram post tungkol sa event, sati ni Gazini na “starstruck” siya sa sashing ceremony, at hindi siya make get over sa “magic, the energy, and the moment.”
Nanatili din ang adbokasiya ni Gazini para sa Palestine sa buong pageant. Sa isang interview sa GMA Lifestyle, ibinahagi naya na ang pagkwento ng kanyang ama tungkol sa sitwasyon sa Palestine ay nakatulong sa kangyang healing, evolving, at understanding ng kanyang Filipino-Palestinian heritage.
“The past year has allowed me to grow and heal and understand myself beyond the titles, beyond the glitz and glam,” paliwanag niya. “I am ready to represent myself, my identity, with intention, and that is as a Filipina-Palestinian, who is still experiencing the gravity of the war in Palestine.”