
Nagi-init na ang kompetisyon para sa kauna-unahang korona ng MGI All Stars ngayong ini-upload na ang mga introduction video ng mga kandidata, kasama na ang kay Kapuso star Gazini Ganados.
Nag-upload ang Miss Grand International organization ng halos dalawang minutong introduction video ni Gazini sa kanilang Instagram account. Sa video, ibinida ni Gazini ang iba't ibang lugar sa Pilipinas, at nagpakita rin ng mga natural na sakuna na tumama sa bansa, pati na rin ang patuloy na digmaan sa Palestine.
Sa Reel, inilarawan ni Gazini ang sarili bilang “a woman not divided by heritage, but empowered by it” dahil sa kanyang status bilang Filipina-Palestinian. Inilarawan din niya ang kanyang sarili bilang “a story still unfolding.”
Related gallery: Gazini Ganados's stunning glam looks
Malaki ang naging impluwensiya ng Filipina-Palestinian heritage ni Gazini sa kanyang pagbabalik sa pageantry. Sa one-on-one interview niya sa GMA Lifestyle, ibinahagi ni Gazini na ang kaniyang ama ang nagsabi tungkol sa bigat ng sitawasyon ngayon Palestine, na siya namang nagdulot ng kaniyang healing, evolving, at pagintindi sa kaniyang sarili.
“The past year has allowed me to grow and heal and understand myself beyond the titles, beyond the glitz and glam,” paliwanag niya. “I am ready to represent myself, my identity, with intention, and that is as a Filipina-Palestinian, who is still experiencing the gravity of the war in Palestine.”
Nangako din si Gazini na makakaasa ang kanyang mga fans at supporters ng magandang performance mula sa kaniya.
“I am more excited because this time around, I know myself more, my core, my values, my identity, especially my purpose,” sabi niya. “I am more prepared physically, mentally, and emotionally this time. I've discovered so much of my self already and I am going to share that with the global stage this time around.”
Hindi lang si Gazini ang beauty queen na dala ang bandera ng Pilipinas sa pageant. Kasama niya ang apat pang mga beauty queens na sila Imelda Schweighart, Keylyn Trajano, Alexia Nuñez, and Fuschia Anne Ravena.
Sa katunayan, inupload din ng Miss Grand International organization ang introduction video ni Alexia Nuñez nitong mga nakaraang araw.
Kamakailan lamang ay nag-announce ang Miss Grand International organization na isa si Alexia sa top three queens sa online vote. Dahil dito, may spotlight at magiging parte ng finale walk si Alexia sa “Welcome All the Stars to Bangkok” event sa May 20.
Gaganapin ang MGI All Stars coronation night sa May 30.