
Kailangang kumayod ng mga Filipino pageant fans na gustong itulak si Sparkle artist Gazini Ganados sa tuktok ng MGI All Stars pageant dahil kakailanganin ni Gazini ng libo-libong boto para makarating sa dulo.
Ipinaalam ng Empire Philippines sa mga Filipino fans na pinupuntirya nila ang 100,000 boto para kay Gazini dahil 30 percent ng kanyang score sa MGI All Stars pageant ay manggagaling mula rito. Sa isang Instagram post, sinabi ng grupo na balik sa zero ang score ng bawat kandidata sa MGI All Stars pageant pagkatapos ng bawat round kung kaya kailangan ng 100,000 na boto para masiguro ang placement ni Gazini. Idinagdag din ng Empire Philippines ang instruction kung paano bumoto sa caption ng Instagram post.
Nanawagan ang Empire Philippines ng 100,000 votes para kay Gazini pagkatapos pumasok ng Sparkle artist sa top 10 ng MGI All Stars live results.
Sa post ng Miss Grand International organization, makikita na nasa eighth place si Gazini na may summary score na 6.40, habang ang Colombian representative na si Vanessa Pulgarin ay nangunguna topped the voting with a summary score of 6.83.
Samantala, pasok naman sa top 20 si Fuschia Anne Ravena na may summary score na 6.34. Nasa 27th place si Keylyn Trajano na may summary score na 5.75, habang si Imelda Schweighart at Alexia Nuñez ay nasa 31st at 34th place, respectively.
Pasok din sa top 20 ng MGI All Stars Portrait Challenge sila Gazini, Alexia, Fuschia, at Keylyn. Pinila ang 10 sa pamamagitan ng boto ng fans, habang ang natitirang 10 ay pinili ng mga judges.
Sa caption ng kanilang Instagram post, pinaalalahanan ng Miss Grand International organization ang mga supporters na ipagpatuloy ang pagboto dahil magiging top six ang top 20. Tatlo sa mga pipiliin ay galing sa boto, habang ang natitirang tatlo ay pipiliin ng mga judges.
Mula simula ng MGI All Stars ay agaw-atensyon na si Gazini. Noong MGI All Stars sashing ceremony, golden bikini ang suot ni Gazini sa runway, at sinundan niya ito ng isang sparkly dress na gawa ng designer na si Pam O' Keefe. Sa Instagram, sinabi ni Gazini na “starstruck” siya sa sashing ceremony, at hindi pa siya maka get over sa “magic, the energy, and the moment.”
Agaw-atensyon din ang adbokasiya ni Gazini para sa Palestine. Kamakailan lamang ay nag-upload si Gazini ng mga picture na may suot siyang red suit na gawa ng designer na si Mark Bumgarner. Kitang-kita sa suit ang paggamit ng keffiyeh, isang simbolo ng Palestinian liberation movement.
Gaganapin ngayong gabi, May 30, ang coronation night ng MGI All Stars pageant.