GMA Logo Gazini Ganados in MGI All-Stars
Source: Miss Grand Interntaional (FB)
What's Hot

Gazini Ganados, sasabak sa Miss Grand International All-Stars edition

By Mark Joseph F. Carreon
Published March 13, 2026 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Kyle Villamor drops 32 as San Sebastian ousts JRU to reach QF
Chef JR Royol, bibisita sa farm ni Susan Enriquez sa 'Farm to Table'
Gazini Ganados is competing in the MGI All Stars pageant

Article Inside Page


Showbiz News

Gazini Ganados in MGI All-Stars


Muling sasabak sa pageant stage si Gazini Ganados sa kanyang inaasahang paglahok sa Miss Grand International All-Stars!

Unti-unti nang inilalabas ng Miss Grand International organization sa kanilang mga social media accounts ang mga kandidatang lalahok sa pinakabagong edisyon ng pageant, ang Miss Grand International All-Stars.

Nitong Huwebes, March 12, opisyal nang kinumpirma ng MGI sa kanilang Facebook page ang pagsali ng Kapuso actress at Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados. Siya ang magsisilbing isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa naturang prestihiyosong kompetisyon.

Sa nasabing post, binigyang-diin ng organisasyon ang “striking beauty” ni Gazini, kasabay ng pagkilala sa kanyang nakakaantig na kuwento ng buhay na inaasahang magbibigay-inspirasyon sa marami.

Ayon pa sa MGI, ang Filipino-Palestinian beauty queen ay isa sa mga dekalibre at isa sa mga pinakakilalang kandidatang isinabak ng bansa sa international stage.

“Gazini Ganados is a Filipino-Palestinian runway model, actress, and television personality known for her striking beauty, commanding stage presence, and inspiring life story,” pahayag ng MGI.

“Rising to international recognition through the world of pageantry, she has become one of the Philippines' most recognizable beauty queens,” dagdag pa nila.

Binigyang-diin din ng organisasyon ang mga katangian ng Kapuso beauty queen.

Inilarawan nila si Gazini bilang isang kandidatang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa madla sa pamamagitan ng kanyang tiwala sa sarili at dedikasyon.

“Her journey in pageantry has showcased her elegance, resilience, and dedication to representing women with strength and authenticity. With years of experience on the international stage, Gazini continues to inspire audiences with her confidence and passion for representation,” saad nila.

Binanggit din ng MGI kung paano ginagamit ng actress-beauty queen ang kanyang boses para isulong ang kanyang adbokasiya at ipalaganap ang pagpapahalaga sa cultural identity at empowerment.

“Beyond pageantry, Gazini has built a career in entertainment and fashion as a runway model, actress, and TV personality. Proud of her Filipino and Palestinian heritage, she uses her voice to celebrate cultural identity, empowerment, and the importance of embracing one's roots,” pahayag ng MGI.

Makakasama ni Gazini sa naturang kompetisyon ang iba pang pambatong Pilipina na sina Keylyn Trajano, Alexia Núñez, at Fuschia Anne Ravena, na kapwa lalaban para makuha ang korona.

Matatandaang nagtapos si Gazini Ganados bilang Top 20 semifinalist sa Miss Universe 2019, kung saan naiuwi rin niya ang prestihiyosong “Best National Costume” award.

Ang Miss Grand International All-Stars pageant ay bukas para sa lahat ng kababaihan at trans women na may edad na 20 hanggang 40, at may mga karanasan na sa international pageant noong mga nakakaraang taon.

RELATED CONTENT: Bianca Umali, Gazini Ganados, Sparkle artists dazzle at Preview Ball 2024