GMA Logo GB Labrador and Caesar Cosme
Source: Your Honor & Bubble Gang
What's on TV

GB Labrador, nahasa sa comedy dahil sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published July 19, 2026 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least five dead and 21 injured after 2 earthquakes in Peru
Happy ToGetHer: Sexy barber sa barangay, sinugod ng mga misis?! (YouLOL)
Transforming discarded materials into treasured spaces

Article Inside Page


Showbiz News

GB Labrador and Caesar Cosme


Tumanaw ng utang na loob ang stand-up comedian na si GB Labrador kay Direk Caesar Cosme: “Sobrang laking tulong na may mentor na maga-guide sa writer.”

Malaking bahagi ng comedy training ng KoolPals member na si GB Labrador nang mapasama siya sa pambansang gag show na Bubble Gang noong early 2010s.

Ito ang kuwento ni GB nang ma-guest siya sa Your Honor kasama si Roger Naldo.

Sabi niya sa Your Honor hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar, “Yes, nag-start ako sa Bubble Gang. Four months din ako under sa mentoring ni Direk Caesar Cosme.”

Dagdag niya, “Ang ganda ng training niyan, bitbit ko. Nagulat nga si Direk Cosme na nasabi ko pa sa kanya after so many years, isipin mo 2011 yata yan. Nasabi ko pa sa kanya kung ano 'yung mga natutunan ko sa kanya. Tapos sabi niya, 'Ang galing, oo nga.'”

Ayon sa Your Honor resource person, naging writer siya ng iconic gag show at sobrang thankful niya sa creative director na si Direk Caesar Cosme.

“Sobrang laking tulong na may mentor na maga-guide sa writer. Kasi, para at least may proper guidance. Masusulat mo na, magagamit agad.”

Sabat ni Madam Cha, “Tsaka time consuming 'yun ah, 'yung Bubble Gang, 'yung pagsusulat din.”

Pag-alala ni GB, “Ang meeting namin Wednesday, tapos ang taping Monday. Tsaka nag-talent din ako sa Bubble Gang. May isang sketch kasama kami, kumakain ng sopas sa sopasan. Kinakain namin talaga 'yung sopas, tapos nagalit sa amin 'yung direktor kasi inuubos namin, kasi maraming gags 'yun e.”

Maalala na noong May 2025, naging resource persons din ng Your Honor ang KoolPals member na sina James Caraan at Ryan Rems.

RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now