
Sa kabila ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Gee Canlas at Archie Alemania, isang bagay na pinagpapasalamat ng aktres ay ang anak niyang si Caleb.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 3, kinumpirma ni Gee na hiwalay na sila ni Archie. Inamin din niya na isa sa kanyang mga pinagsisisihan ay hindi siya umalis nang maaga sa kanilang relasyon.
“I should've listened to myself na parang feeling ko nauubos na, parang wala nang -- I'm a very colorful person, I'm a very goofy person, over the years, parang nawala na lang so if there's one thing I regret, it's not having a family, it's not being married, it's probably knowing when it should've stopped, when I should've left,” sabi ni Gee.
Pag-amin ng aktres, natakot kasi siya sa mga bagay na hindi niya alam, at hindi siya naniwala sa Panginoon.
“I was scared kasi hindi ko tina-trust si God na parang pray ako ng pray before, sabi ko, 'Lord, fix mo 'yung marriage, fix mo 'yung marriage.' Ta's hindi naaayos so parang sabi ko, 'I should've trusted God more.'”
Sa lahat ng ito, pinagpapasalamat pa rin ni Gee na meron siyang Caleb, ang anak nila ni Archie.
“I go back to my son. He's the most loving, expressive boy, so every time I think too much 'yung heartache, too much 'yung pain, hindi mo mahihiwalay, e. So I have to go through all of that so I can have him,” sabi ni Gee.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAGBIGAY NG SUPORTA SA SOLO PARENTS SA GALLERY NA ITO:
Sabi ni Gee, isang blessing na para sa kaniya kung magtanong si Caleb kung nasaan ang daddy niya dahil delayed ang speech nito. Pagbabahagi ng aktres, ngayong five years old pa lang si Caleb nang magsimulang subukan bumuo ng isang pangungusap.
“Try pa lang. Ngayon, 'yung fact na magsasabi siya ng 'Where's daddy?' to me, I look at 'yung formation ng words rather than the question 'cause it's a blessing,” sabi ni Gee.
“But to answer that question, I try to keep my child's happiness intact, so I would tell him, 'You know, daddy is in space! He's helping the Earth, he's an astronaut! He's saving the planet!' That's what I try to do for him,” pagpapatuloy ng aktres.
Nang tanungin siya ni Boy kung ano ang gusto niyang sabihin kay Caleb, humingi ng tawad si Gee, at sinabing sinubukan naman niya maayos ang relasyon nila ni Archie.
“I tried, but you're doing so well in life. You're such a smart boy, you love God. I taught him three words, and I want to repeat that to him when he's older. Be brave, strong, and kind so whatever happens, in all aspects of life, remember mo 'yun, anak. Be brave, strong, and kind, and I know you are that right now. I'm proud of you,” sabi ni Gee.
Panoorin ang panayam kay Gee sa video sa itaas.
Samantala, narito ang ilang pang mga napag-usapan nina Gee at Boy Abunda sa programa: