
Humahakot ngayon ng views sa TikTok ang video ni Gee Canlas, kung saan kasama niya ang isa sa kaniyang co-stars sa House of Lies na si Beauty Gonzalez.
Maraming netizens at fans ang naaliw sa makulit at masayang bonding nina Gee at Beauty sa set ng intense drama series.
Mapapanood sa video ang kunwaring kuwentuhan o chikahan ng dalawa na mayroong title na, “Friend mong 'di marunong mag keep ng secret.”
Mababasa naman sa caption ng post, “'Wag daw pilitin. What chika portion looks like in between takes of House of Lies. Tag a friend na papilit.”
@msgeecanlas Wag daw pilitin 😂 #GeeCanlas ♬ original sound - msgeecanlas
Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 20,000 views sa video sharing application na TikTok.
Si Beauty Gonzalez at Gee Canlas ay napapanood sa House of Lies bilang sina Marj at Hannah.
Kasama nila rito sina Mike Tan, Martin del Rosario, Kris Bernal, Lito Pimentel, Jackie Lou Blanco, Kokoy de Santos, at marami pang iba.
Ipinapalabas ang intense drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Related gallery: At the story conference of 'House of Lies'