
Pagkatapos ng harana niya kay Gelay, hinuli ng pulis si Emong at ang TODA boys dahil sa kagagawan ni Kapitana Finny.
Buti na lang ay to the rescue si Gelay kay Emong para tuluyan itong makapagtago.
Para naman maka-score kay Gelay, dinala ni Kobe ang pamilya Dimagiba sa beach para sa isang summer getaway na ikinaselos naman ni Emong.
Gelay, sino ba talaga mas matimbang sa puso mo? Si Emong o si Kobe?
Alamin ang sagot at panoorin ang nakakakilig at nakakatawang eksenang ito sa March 11 episode ng TODA One I Love.
Patuloy na subaybayan ang kapana-panabik na eksena ng TODA One I Love, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Onanay.