
Inamin nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na hindi sila nag-aaway sa loob ng 25 years nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Ibinahagi ito ng celebrity couple sa podcast na Wala Pa Kaming Title.
Kuwento ni Ariel, nag-aaway sila noong nasa boyfriend and girlfriend stage pa lamang sila. Noong sila ay nagpakasal ay hindi na raw sila nag-aaway ni Gelli.
"Noong boyfriend-girlfriend. Mag-asawa hindi kami nag-aaway."
Sina Gelli at Ariel ay naging magkarelasyon ng limang taon bago sila magpakasal.
PHOTO SOURCE: @gellidebelen
Inamin ni Gelli na noon ay sinasabi pa niya lahat ng nararamdaman kay Ariel kapag sila ay hindi nagkakasundo.
Ani Gelli, "Alam n'yo naman na madaldal ako, lalo na noong bago kami, parang takang taka ako sa mga bagay-bagay, kapag may misunderstanding ayoko talaga. Very vocal ako. This was when we're just dating at saka hindi ko pa siya ganoon kakilala. Hindi pa rin ako mature."
Ayon kay Gelli, hindi sumasagot si Ariel sa kanya.
"Dada dada, tapos siya ayaw niya. Ayaw niya ako i-engage, hindi niya ako pinapatulan. Umiiwas siya, lumalayo siya. Nagtataka ako ano ba tapusin natin, ayusin natin 'to."
Kuwento ng aktres, nagkaroon siya ng realization.
"Eventually, I realized oo nga kapag mainit ang ulo, you tend to say a lot of things that are hurtful. You can't take that back."
Dugtong ni Ariel sa kanyang misis, "It's how you say it."
Paliwanag pa ni Gelli, hindi kailangang solusyunan agad ang bawat problema.
"Siya, kalma lang, iwas. Confrontational kasi ako noon. Eventually habang tumatanda kami, mag-asawa na kami, na-realize ko, trying to fix things right then and there, it's not always the right solution."
Inilahad naman ng celebrity couple kung bakit hindi sila naniniwala na kailangang ayusin ang problema ng mag-asawa bago matulog.
Saad ni Ariel, "Hindi kami nag-aaway, nagtatampo kami kapag let's say may nangyari tapos 'di kami mag-uusap."
Diin pa ni Gelli, hindi sila nagdabog at nagmurahan sa isa't isa sa loob ng 25 years nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Para kay Ariel, importante ang respeto sa isa't isa.
"Ako I make it a point, even the early onset of marriage, hindi ko sasabihin sa kanya can you please shut up. It's a no no for me. Not even shut up, 'yung tumahimik ka nga. Hindi puwede 'yun."
Ipinaliwanag rin ni Ariel, naniniwala siya na may paraan para mailahad ang nararamdaman ng isang tao.
"I always tell her and the kids, there's always a nice way to say things in every situation. There's always a nice way to say things lalo na kapag may bumabangga sa'yo na mainit ang ulo. Kapag binangga mo you will never resolve the problem."
Saad ni Gelli, "You can get your point across without having to hurt the person naman e."
SAMANTALA, BALIKAN ANG LITRATO NG PAMILYA NINA GELLI AT ARIEL: