GMA Logo Gelli de Belen, Candy Pangilinan
What's on TV

Gelli de Belen at Candy Pangilinan, may dalawang bagay lang na hindi pwedeng pag-awayan

By Kristian Eric Javier
Published June 13, 2024 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Gelli de Belen, Candy Pangilinan


Aminado sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan na wala namang problema sa pagkakaibigan nila pagdating sa dalawang bagay na ito.

Isa sa mga sikat na paalala ay huwag makikipag-partner sa mga kaibigan sa isang negosyo. Ngunit para sa magkaibigan na sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan, pwede pa rin naman daw mangyari ito “if there are parameters.”

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, June 13, inamin ni Gelli na kung tatanungin siya noon, maaaring hindi rin siya agree na maging business partner ang kaibigan para hindi maapektuhan ang kanilang friendship.

Aniya, “Dati [it's] an ideal situation na... para wala kayong problema, para friendship is friendship, it's forever.”

Pero pagpapatuloy niya, “Pero I suppose if there are parameters if there's a contract, if there's something that's clear, black and white, it is possible.”

Pagpapatuloy pa ni Candy, importante na magkaroon lagi ng kontrata kapag business ang pinag-uusapan. Kuwento niya, kahit sa podcast nila nina Abot-Kamat na Pangarap star Carmina Villarroel at Janice de Belen na "Wala Pa Kaming Title" ay mayroon silang kontrata na ikinonsulta pa sa isang abogado.

“I made sure, talagang kumuha ako ng lawyer na talagang ipina-check ko talaga sa lawyer lahat, tapos pinabasa ko sa kanila,” sabi ni Candy.

BALIKAN ANG CELEBRITY BUSINESS PARTNERS SA GALLERY NA ITO:

Binanggit din ng batikang host na si Boy Abunda kung paanong hindi pinag-uusapan ng ilang magkakaibigan ang pera.

Ani Gelli, “Actually, dapat pinag-uusapan nga e. Parang 'Uy, hanggang ano lang ako, 500 lang ako a.' It's part of the communication, lalo na you have to be clear, open.”

Ibinahagi rin ni Candy ang dalawang rule nilang magkakaibigan. Aniya, “Dalawa lang ang rule namin na hindi pwedeng pag-awayan, pera't lalaki.”