GMA Logo gelli de belen
Si Gelli de Belen (gitna) kasama ang executive producer ng 'Ouside de Famila' na si Ana BC (kaliwa) at lead star nito na si Ruby Ruiz (kanan)
What's Hot

Gelli de Belen, nag-lie low nga ba sa showbiz?

By Nherz Almo
Published August 8, 2025 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

39 areas to experience 'danger' heat index on May 31, 2026 —PAGASA
Farm to Table: Classic Pinoy dishes
Gazini Ganados needs 100k votes for MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

gelli de belen


Sa dalang na mapanood si Gelli de Belen sa TV at pelikula, inakala ni Ruby Ruiz na mas pinili nang maging content creator ang aktres.

Hiniling ni Ruby Ruiz na magkaroon ng marami pang acting projects si Gelli de Belen, na kasamahan niya sa pelikulang Outside de Familia.

Sa media conference nito noong Sabado, August 2, nabanggit ng beteranang aktres na tila nasasayangan siya sa husay ng kanyang co-actress.

Pahayag niya, “Sa akin po, malaking revelation sa akin si Gelli. Of couse, napapanood ko siya sa TV at crush ko ang asawa niya noong araw. Hindi po, kilala ko siya, but I never thought she is very sincere and serious actress.

“Kaya nga sabi ko sa kanya, sana gumawa pa siya ng mas maraming pelikula. Feeling ko sobrang underrated. Hindi ko alam kung personal lang, hindi naman po ako maano sa showbiz po, kung sino ang masyadong gumagawa ng mga ano, kung mainstream or what.

“But when I saw her acting, sobra po akong [nagtaka] bakit nagba-vlog lang. Walang halong ano, pero galing na galing ako sa kanya. Sayang, feeling ko lang underutilized ang galing niya.”

Nagpasalamat naman si Gelli sa papering ibinigay sa kanya ni Ruby, na gaganap na nanay sa bagong pelikula ni Direk Joven Tan.

“Thank you. I'm flattered. We all strive to be good at what we do,” aniya.

Pero ang sumunod na tanong ng press, bakit nga ba madalang gumawa ng pelikula or teledrama si Gelli?

Sa dalang kasi na mapanood si Gelli sa TV at pelikula, kahit si Ruby ay inakalang mas pinili na niya ang maging isang content creator.

“Hindi ko nga alam, e,” nagtatakang sagot niya.

“May magtatanong 'tapos, hindi matutuloy. Puwede rin naman kasi na lagi akong nasa Canada, so people think that I live there whereas I'm here all the time. Maybe schedule-related or mas gusto nila mas mainstream na artista. Puwede rin naman yun. So, feeling nila nagba-vlog na lang ako. Hindi ko alam.”

Gayunman, nilinaw ni Gelli na bukas siya sa anumang acting jobs na i-offer sa kanya.

“Basta, para sa akin, I'm here and I'm willing to work. Siyempre, pinipili ko rin naman ang ginagawa ko.”

Sabay biro niya, “Hindi lang ako makatanggi rito kay Direk Joven.”

Ang pelikulang Outside de Familia ay mapapanood sa mga sinehan simula August 27.

Related gallery: Ariel Rivera, Gelli de Belen talk about romance and parenting