
Mapapanood ang reel to real life couple na sina Jake Vargas at Inah de Belen sa upcoming Kapuso series na Ika-5 Utos. Dito makakatrabaho ng dalawa ang tita ni Inah na si Gelli de Belen.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Jake, kinuwento niya ang kaniyang reaksyon nang mabalitaan na makakatrabaho niya ang beteranang aktres sa kaniyang newest project.
Aniya, "Nung nalaman ko [na makakatrabaho ko] siya, medyo kinabahan ako kasi tita siya ni Inah. Okay naman, mabait naman si Miss Gelli de Belen. Natuwa ako kasi siya 'yung katrabaho ko."
Dagdag pa ni Jake ginagabayan naman daw siya ni Gelli sa tuwing magkasama sila sa eksena. Biro rin ni Jake na binabantayan daw sila ni Inah ng tita nito sa set ng Ika-5 Utos.
Inamin naman ni Inah na nakakaramdam daw siya ng pressure dahil sa bigat ng kaniyang role at ng mga eksena sa show.
"Medyo kinakabahan pa rin ako pero 'yung hugot na kailangang ilabas, nahuhugutan ko naman with the help of Direk Laurice (Guillen). And siyempre with the help of Tita Gelli and Jake -- nagagawa ko naman 'yung kailangang gawin sa isang eksena," wika ni Inah sa Ika-5 Utos media conference.
Thankful din ang young Kapuso actress na kasama niya ang kaniyang tita sa show. Bakit kaya?
"Mas pressure kasi working with a relative, with someone you've grown up with, nakoko-conscious talaga ako. But then iniisip ko, once ko nang nakatrabaho ang mom (Janice de Belen) ko and guesting lang 'yon, mas nakoko-conscious ako sa mom ko or if ever 'yung dad ko (John Estrada) so mas-blessed pa rin ako na katrabaho ko si Tita Gelli. -- Nakaka-pressure pero at the same time nakaka-inspire din you feel motivated also to work and do your job and you have to work really fast talaga."
Abangan sina Jake at Inah bilang ang magkasintahang sina Carlo at Joanna. Huwag din palampasin ang pagbabalik Kapuso ni Gelli as Kelly na ina naman ni Carlo sa Ika-5 Utos, ngayong September 10 na!