
Isang simple pero sweet na sorpresa ang natanggap ni actress and host Gelli de Belen mula sa singer and actor na asawang si Ariel Rivera.
Ipinagdiwang ni Gelli ang kanyang 53rd birthday nitong May 25.
Image Source: gellidebelen (IG)
Dahil parehong busy sa kani-kanilang mga trabaho, hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-celebrate nang magkasama sina Gelli at Ariel.
Gayunpaman, sinigurado ni Ariel na ipadama kay Gelli ang kanyang pagmamahal sa special day nito.
Nag-iwan siya ng birthday message para kay Gelli sa salamin ng kanilang kuwarto para siguradong makikita ito ng asawa.
"Happy birthday, Honey! I love you very much," sulat ni Ariel.
Na-surprise at na-touch naman si Gelli sa gesture na ito ng asawa.
"It's the little things that make life big," sulat niya sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang mirror message ni Ariel.
Tila napawi ang pagod ni Gelli dahil sa munting sorpresang ito.
"Was out of town the whole weekend for a shoot and came back late on my bday itself. Hubby had work too , thinking we wont see each other til the next day he wrote this. Was so tired but then I found this .... ," aniya.
Ikinasal sina Gelli de Belen at Ariel Rivera noong 1997.
Mayroon silang dalawang anak na lalaki.
MAS KILALANIN PA SINA GELLI DE BELEN AT ARIEL RIVERA BILANG MAG-ASAWA AT MGA MAGULANG DITO: