What's Hot

Gelli’s balancing act

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 17, 2020 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA Season 101 volleyball finals schedule
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkuwento si Gelli de Belen on finding balance between work and family, and she dishes on working with her co-star and former flame, Raymart Santiago.
Nagkuwento si Gelli de Belen on finding balance between work and family, and she dishes on working with her co-star and former flame, Raymart Santiago. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. stars She currently plays two entirely different characters, ang sosyal na soccer mom-type na si Bunny sa Jejemom and ang simple at mapagmahal na si Marcella sa Bantatay, but in real life Gelli de Belen is a little bit of both – a doting wife and mother who still looks fresh and happy, and an actress na tuloy-tuloy ang pasok ng trabaho. Ano ang kanyang pakiramdam tungkol dito? “Masarap na mahirap,” Gelli says, “kasi less time for the family. At saka less time for rest.” Parehas silang may projects ngayon ng kanyang asawang si Ariel Rivera. Paano kaya nilang nababalanse ang kanilang time between their showbiz commitments and their family? “You make quality time. Gagawa at gagawa ka ng paraan,” she shares. “Nagagawan naman yun ng paraan e, kailangan lang talaga pagtrabahuhan.” Sa kanyang show na Bantatay ay parte ng pamilya ni Marcella ang asong si Bantay, na siyang sinapian Bernard nang siya’y pumanaw. May real-life Bantay ba siya in real life na parte rin ng kanyang pamilya? “Meron, we have two Yorkie Terriers,” kuwento niya. Samantala, ayon kay Geli ay nakaka-relate siya sa pamilya ng kanyang character sa Bantatay dahil sa kanyang mga alaga. “Siya [si Ariel] kasi mahilig sa dogs. Kakaiba,” paglalahad niya. She continues to gush about the other pets na makikita sa kanilang show. “Alam niyo, ang galing ng mga dogs namin [sa show], ang galing, ang galing nila.” Aside from working with the dogs, nakatrabaho din niya dito ang kanyang former flame na si Raymart Santiago, who plays her husband Bernard. May spark ba na na-rekindle sa kanilang muling pagsasama? “Iba na yung appeal niya. Kasi ang pinakama-appeal na sa’kin ngayon e yung asawa ko, ‘di ba? Pero may appeal, of course, may appeal siya, of course,” pag-amin niya, adding, “Masaya, masaya, masayang katrabaho ‘yang si Raymart.” Patuloy na subaybayan si Gelli sa Bantatay weeknights before 24 Oras at sa Jejemom Saturdays after Kaya ng Powers only on GMA. Pag-usapan si Gelli sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!