What's on TV

Geneva Cruz, hiwalay na sa ama ng kanyang two-month-old baby

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 11, 2020 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Maituturing na pangatlong pagkakataon sana ito na makasal si Geneva.


Hiwalay na si singer Geneva Cruz sa kanyang Fiipino-Australian boyfriend na si Lee Paulsen, ang ama ng kanyang two-month-old baby girl, ayon sa ulat ng Startalk.  

Sinabi ni Startalk host Butch Francisco na hindi raw nag-work out ang relasyon ng dalawa.   

Agosto 2013 nang maiulat na engaged na sina Geneva at Lee.

Unang ikinasal si Geneva sa dating vocalist ng Introvoyz na si Paco Arespacochaga. Nagkaroon siya ng anak dito, si Heaven.

Pagkatapos mapawalang-bisa ang kasal nila ni Paco, ikinasal naman si Geneva sa TV at radio host na si KC Montero. Ipinawalang-bisa rin nila ang kanilang kasal.

Ayon kay Butch Francisco, ayaw munang magsalita ni Geneva tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee.

Masaya naman ang aktres na si Sheryl Cruz para sa kanyang pinsan na si Geneva.

“So, congratulations, may pamangkin na naman pala ako,” masayang sabi ni Sheryl.