
Labis ang pasasalamat ni Geneva Cruz na nakasama niya sa upcoming series na Little Princess ang pinsang si Rodjun Cruz.
Sa Instagram, naglaan ng panahon si Geneva para pasalamatan ang pinsan na gumabay at nagpasaya sa kanya sa lock-in taping ng nasabing serye.
Ayon kay Geneva, mabuti na lamang na kasama niya si Rodjun dahil kung minsan ay nalulungkot siya sa lock-in.
"I can't believe our lock-in taping for [Little Princess] is almost over! I want to take this time to thank my cousin [Rodjun Cruz] for guiding me and looking after me since I haven't done a full teleserye and lock-in pa," sulat ni Geneva.
Dagdag niya, "It is really a blessing to have you with me, cous, lalo na in times when I was feeling sad because I'm missing mama. You always seem to know what to say to make me feel better, napakabait mo talaga kahit sa lahat ng tao sa set. I saw it first-hand, and I'm so proud of the man you've become."
Nagpasalamat din si Geneva sa tiwala at oportunidad na ibinigay ng GMA na maipakita ang husay niya bilang isang aktres.
"Grateful for you, cous RJ, and grateful to [GMA Network] Miss Arlene Pilapil, Direk L.A Madridejos, and Mr. Dennis Bentulan for the trust. You could've chosen someone who's already a pro in the acting field, not a professional singer/performer.
"You gave me a chance to broaden my horizon as an artist, and I'm genuinely grateful for that. I shall and will always be open to learning and growing," pagbabahagi niya.
Hiling din ni Geneva na magustuhan ng manonood ang magandang kwento ng Little Princess na kapupulutan ng aral at inspirasyon.
"My only wish is that the Kapuso viewers would love what we are creating for them since we are giving them a massive part of our heart and souls combined, at talaga namang napakaganda ng 'Little Princess' at ang galing ng mga kasama kong artista."
Sa Little Princess, gagampanan ni Geneva ang maganda at mayamang karakter ni Odessa Montivano, habang si Rodjun ay gaganap na kababata ni Princess (Jo Berry) na si Jaxon Pineda.