
Sinagot ni Geneva Cruz ang mga komentong overacting ang portrayal niya bilang kontrabida sa GMA afternoon drama na Little Princess.
Si Geneva ay lumalabas na Odessa, ang asawa ng businessman na si Marcus (ginagampanan ni Jestoni Alarcon) sa serye.
Ayon sa Facebook post ng singer/actress noong February 9, sinunod lamang niya ang requirements ng kanyang role base sa script na batay sa formula ng isang afternoon show.
Panimula niya, "You know… a few people keep saying that the acting of Odessa is too much. Well, just so you know… Odessa may not be the real me, but I created her character based on the specifics in the script given to me. I was not copying anyone, so how can you say she's over-acting when I created that character and she's supposed to act like that? Odessa has gone crazy; of course she's going to behave like that."
Diin pa ni Geneva, bago ang smiley emoji, "Now, if you're starting to hate Odessa 'coz you think she's over-acting kasi she's always angry, bad mood, nanggagalaiti, at hindi maka move on… then I must be doing a good job kasi affected ka."
Sa kuwento ng Little Princess, mortal na kaaway ni Odessa ang bidang si Princess (Jo Berry) na love child ng mister niyang si Marcus. Si Princess ay nakatakdang maging tagapagmana ng kumpanya ni Marcus matapos mamatay ang kanilang anak ni Odessa na si Jewel (Lala Vinzon).
Nabuntis ni Marcus ang secretary niyang si Elise (Angelika Dela Cruz) at si Princess ang naging bunga habang kasal sila ni Odessa.
Ayon kay Geneva, normal lang maging hysterical ang karakter niyang si Odessa dahil sa kanyang sitwasyon bilang legal wife.
Paliwanag niya, "Have you not seen a woman in a jealous rage? I have, many times before; walang sinabi 'yang acting ko d'yan. Women, most especially younger ones, sometimes act hysterically when they feel unloved and disrespected."
Sa episode ng Little Princess noong February 9, inilabas ni Odessa sa banyo ang kanyang galit matapos aminin ni Marcus sa press na anak niya si Princess.
"Nahilo nga ako sa scene na 'yan kasi galit na galit s'ya, alangan naman kalmado lang s'ya sa scenes n'ya? I wish Odessa was more calm para hindi nakaka-stress, plus, mas maganda ang itsura ko when I smile more. Haha!"
Sa parehong post, pinangaralan ni Geneva ang isang basher na nagsabing bumalik na lang siya sa pagkanta at pagsayaw.
Sabi niya, "You're getting so affected by a fictional character and is starting to get her confused with the real me. Odessa Montivano was a good wife until her husband had an affair with his Secretary and got her pregnant; may mga asawa na submissive at mananatiling mabait, pero may mga magagalit at halos masisira rin ang ulo talaga sa nangyari sa kanila. Let's be real here. Betrayal is the worst."
Nagpasalamat naman si Geneva sa mga tumatangkilik sa Little Princess, na TV comeback project niya matapos siyang huminto sa pag-arte para mag-focus sa kanyang singing career.
"Thanks for watching Little Princess! I had fun playing the role, and I'm so grateful to @gmanetwork for the opportunity to act again,” she said.
"My dad said hayaan mo silang magalit sa 'yo dahil you're doing a great job as an artist at kilala mo kung sino ka sa totoong buhay. Tama naman! ^^ Haha! I love my papa so much," she added.
Hindi ito ang unang beses na sinagot ni Geneva ang kanyang basher.
Matatandaang umalma rin ang aktres sa isang netizen na nagkomento sa kanyang bikini photo na kita umano ang kanyang "maitim na singit."
Paliwanag ni Geneva sa media conference ng Little Princess, "️I don't call it patol, I call it educating them. If they come to my site and talk about my singit or something and I'm on the beach and it's a guy who is saying 'o bakit ganyan?' Excuse me, I'm a mother of two and the singit that you're talking about is dalawang bata na ang lumabas d'yan. And look at my body. How about you focus on that."
Bukod sa pagpo-promote ng kanyang shows, ginagamit din ni Geneva ang kanyang social media accounts sa pagbu-boost ng morale ng mga kababaihan, lalo na ng mga inang tulad niya.
Mom of two at 45 si Geneva at nananatili pa rin siyang sexy and confident, at patunay diyan ang mga larawang ito: