GMA Logo Geneva Cruz Dean Roxas Rachel Alejandro Carlos Santa Maria
sources: genevacruzofficial (IG), racheljalejandro (IG)
What's on TV

Geneva Cruz, Rachel Alejandro, masaya ang mga puso ngayon

By Kristian Eric Javier
Published October 17, 2025 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SHFC, MWSS-RO ink deal on water bill discounts for low-income 4PH beneficiaries
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Geneva Cruz Dean Roxas Rachel Alejandro Carlos Santa Maria


Masaya ang mga puso ng magkaibigang sina Geneva Cruz at Rachel Alejandro.

Magkaiba man ang naging buhay pag-ibig ng magkaibigang sina Geneva Cruz at Rachel Alejandro, masasabi naman nilang masaya ang lagay ng kanilang mga puso ngayon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 17, naikuwento ni Geneva kung papaanong naging third wheel si Rachel sa relasyon nila ng dating boyfriend na si KC Montero. Pagbabahagi ng singer-actress, tinulungan nila ang kaibigan para maka move on sa isang heartbreak.

“Lagi ko silang kasama, minsan natutulog ako sa kama nila, tapos of course we would go out a lot kasi siyempre kabataan, so I was like a tag-along with them. Para malibang ako, para mawala 'yung heartbreak,” sabi ni Rachel.

Kaya naman, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang lagay ng kanilang mga puso ngayon, na parehong sinagot nila na “Masaya.”

“Hindi ako nag-expect, but yeah, I'm dating someone that I dated in 2022, and I guess kapag hindi ka nag-e-expect, then sometimes they come back. When you look within, 'yung parang inayos mo 'yung sarili mo, puwedeng dumating,” sabi ni Geneva.

Pagbabahagi pa ng singer-actress, mahal na mahal umano nito ang 11-year-old niyang anak na babae. Sa katunayan, pinagluluto pa nito at dinadala sa school ang kaniyang anak, bagay na ipinagpapasalamat niya. Ang tinutukoy ni Geneva ay ang boyfriend niya ngayon na si Dean Roxas.

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA MAY NON-SHOWBIZ PARTNERS DIN SA GALLERY NA ITO:

Alam din umano ng kaniyang bagong boyfriend ang karera niya at kung ano ang pinasok nito sa pakikipagrelasyon sa kaniya, “He knows about my life and he's very mature, he's very loving.”

“In a way kasi I know na may boundaries, alam ko na 'yung mga hindi ko gagawin sa show business, like for example, 'yung mga sexy, ayoko ng ganu'n. As much as possible, gusto kong gumawa ng mga pelikula na gusto kong gawin,” sabi ni Geneva.

Samantala, 14 na taon nang kasal si Rachel sa asawa niyang si Carlos Santa Maria at sinabing ito ang naging suporta niya sa mga pagsubok na pinagdaanan. Kabilang na dito ang nagdaang COVID 19 Pandemic, at noong pumanaw ang ama na si Hajji Alejandro.

“When my dad passed nga, as they say nga, nagkakasubukan when the going gets tough. Particularly nu'ng pandemic, I was really down and out then kasi walang work, but he was my rock,” sabi ni Rachel.

Pagpapatuloy ng singer, “And then the same when my dad passed, he came with me, he came back, kahit may work siya, he came with me to the Philippines. We came back here and siya talaga, he was there for me.”

Panoorin ang panayam kina Geneva at Rachel dito: