GMA Logo Geneva Cruz and Rachel Alejandro
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Geneva Cruz, Rachel Alejandro, mataas pa rin ang mga pangarap sa buhay

By Kristian Eric Javier
Published October 17, 2025 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS debuts 'Swim' performance video on Spotify, Apple Music
2 classroom na may CR, ipapatayo ng GMAKF sa Dakit Elementary School | 24 Oras
Third alarm fire hits poultry storage facility in Cabatuan, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Geneva Cruz and Rachel Alejandro


Sa kabila ng kanilang tagumpay sa industriya, mataas pa rin ang pangarap nina Geneva Cruz at Rachel Alejandro.

Hindi maitatanggi na malayo na ang narating ng mga batikang singer na sina Geneva Cruz at Rachel Alejandro pagdating sa kanilang mga karera. Sa katunayan, kilala sila ngayon hindi lang sa Pilipinas kundo maging sa ibang bansa. Kaya naman, tanong sa kanila ni King of Talk Boy Abunda, ano pa nga ba ang gusto nilang makamit ngayon?

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 16, binalikan ni Rachel ang kaniyang pagpo-produce, at sinabing mas gusto pa niya mag-produce ng mga materyal na malapit sa puso niya.

“Maybe to champion like Filipino music more in the world. I have been doing that, pero to do more and to really put OPM on the world stage and of course, Philippine cinema as well,” sabi ni Rachel.

Aminado naman ang batikang singer na ginagawa na ito ngayon ng bansa, ngunit gusto pa umano niyang dagdagan ito.

Para naman kay Geneva, “Ako, Tito Boy, ang gusto ko talaga is sa totoo lang, a happy family life. That's what I want.”

Pagpapatuloy pa ng dating Smokey Mountain singer ay gusto rin niya ng beach house, ngunit nilinaw na kahit saan maitayo ito basta magkaroon siya ng sariling pamilya.

ALAMIN ANG KUWENTO NG SIMULA NG PAGKAKAIBIGAN NINA GENEVA AT RACHEL SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na nag-date sina Geneva at dating MTV VJ na si KC Montero noong 1999, at ikinasal noong 2004, bago sila tuluyang nagkahiwalay noong 2014. Pagkatapos nito ay nagkaroon pa ang singer ng dalawa pang boyfriend.

Noong December 2024, inamin ni Geneva na nakahanp siya ng bagong pag-ibig sa jiu-jitsu national athlete na si Dean Roxas.

Panoorin ang panayam kina Geneva at Rachel dito: