GMA Logo geneva cruz
Celebrity Life

Geneva Cruz sinagot ang basher na nagsabing 'feeling teen' at 'feeling sikat' siya

By Jansen Ramos
Published February 22, 2022 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

geneva cruz


Geneva Cruz to her basher: ''Wag gawing batayan ang age sa kahit ano. Marami pa kaming nagagawa at pwede pang gawin." Read more:

Hindi nakaligtas kay Geneva Cruz ang isang basher na nilait-lait siya sa direct message nito sa Instagram.

Paniniwala niya, troll account ito dahil wala itong post at follower.

Pinangaralan niya ang nasabing basher dahil sa mga hindi magagandang sinabi nito sa kanya.

Sa DM ng basher, sinabihan niya si Geneva na kumilos ng naaayon sa edad para hindi ma-bash na inalmahan ng 45-year-old actress-singer.

Tirada ni Geneva, "I should start behaving my age daw… how should a 45-year old act nga ba? Like an uugod-ugod na lola? Dude! Tatanda ka rin."

Birong hamon pa niya, "And if you're older than me, live a little.. it'll keep you young. Pero if, ikaw, mas bata ka sa 'kin, gusto mo sparring eh. Tara! Loko 'to! Laughtrip."

Nakatanggap pa ng lecture ang basher mula kay Geneva.

Ani ng celebrity, "Wag gawing batayan ang age sa kahit ano. Marami pa kaming nagagawa at pwede pang gawin. Hindi tama 'yan. Sa social media lang matapang kasi. Hindi nila ikagaganda ang ganyan ka-judgemental. Kawawa. Aging is a privilege."

Pinagtanggol din ng Little Princess star ang kanyang kapwa kontrabida sa serye na si Gabrielle Hahn matapos silang sabihan na "feeling sikat" ng parehong basher.

Sagot ni Geneva sa bintang sa kanila, "And yes, sikat ako, matagal na lalo na sa mga mahal ko sa buhay. You're nothing but a bully, darling. Gab and I are just acting... get over it. You can change, by the way. I'm rooting for you. Take care for now. Xoxo (hugs and kisses)."

Bukod kay Geneva, marami na ring artista ang walang kiyemeng sinagot ang mga paninira sa kanila sa social media.

Tingnan sa gallery na ito ang best reaction ng mga celebrities sa kanilang bashers: