
Isang ultimate throwback ang post ni sexy actress at dancer na si Geneva Cruz ngayong araw.
Sa Instagram, ibinahagi ni Geneva ang isang litrato ng kanyang younger self na kinuhanan noong dekada '80.
Aniya sa caption, “This was taken in 1989 at my 6th grade graduation at St. Joseph's School in Gagalangin, Tondo, Manila before the launch of 'Smokey Mountain.'
“Less than a year later, I was transferred to O.B. Montessori in Greenhills as a 7th grader.”
Maalalang nagsimula ang career ni Geneva bilang lead singer ng popular group na Smokey Mountain na binuo ni National Artist for Music Maestro Ryan Cayabyab noong 1989.
Nakasama ni Geneva ang ilan sa mga naging prominenteng singers ng panahon na iyon tulad ni James Coronel, Jeffrey Hidalgo at Tony Lambino.
Biro pa niya, “Hanep sa hair… pataasan talaga! Kaya siguro Mother Earth was harmed so much back in the #90s dahil kay #Aquanet nung #80s. Sorry #ozonelayer.”
Sa comments section, pumatok ang litratong ibinahagi ni Geneva kaya naman umani ito ng papuri mula sa fans at ilang celebrities tulad ni Pops Fernandez.
Ani ng singer, “The hair!,” na sinundan pa ng apat na laughing emojis.
Depensa ni Geneva, “Uso e!”
Netizens' comments on Geneva Cruz's photo / Source: genevacruzofficial (IG)
IN PHOTOS: Graduation photos ng mga sikat
LOOK: Sweet photos of Geneva Cruz and American BF Nikolaus Booth