Article Inside Page
Showbiz News
Ano nga ba ang magbabago ngayong muli silang magkatrabaho ng kanyang real-life girlfriend na si Carla? We talked to Geoff to find out!
Ano nga ba ang magbabago ngayong muli silang magkatrabaho ng kanyang real-life girlfriend? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch S. Mauricio.

Muli nang napapanood ng mga fans ngayon sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa
Magic Palayok. Ano nga ba ang kanyang feeling na muli silang magkakatrabaho?
“Very happy. I didn’t expect that it would be this soon, kasi nga ang nangyari was we were supposed to be paired with different artists also, like I did
Grazilda, so hindi na natuloy anything after that, kami ulit ang magkasama ngayon. So [I’m] very happy, unexpected,” says Geoff.
Paano nga ba nilang nalaman na sila ay magkakatambal muli?
“Yeah, funny nga e, kasi nung sinabi sa’kin ng manager ko, si Perry [Lansigan], ‘Huwag mo munang sabihin kay Carla, mas mabuti pa na malaman niya on her side.’ So we both knew already and we were keeping it from each other,” kuwento niya. “So meron kaming moment na dumating na ‘O, alam ko na ang susunod mong gagawin,’ tapos siya, ‘O, ikaw din naman, alam ko ang susunod mong gagawin.’ Ah okay, dun pala. So dun lumabas.”
May magbabago ba sa kanilang working relationship ngayong sila ay magkakatrabaho for the first time since admitting their status as a couple?
"Yung challenge dito siguro is parang ibabalik namin sa parang hindi kami magkakilala talaga. Kasi we’re very comfortable with each other, andami na naming alam sa isa’t-isa. So hopefully ma-ano namin na yes, we are a couple off-screen, but with this show, sana mapakita namin na never talaga kaming nagkakilala, na we hate each other," paglalahad ni Geoff. "Ganun yung meeting, hindi kaagad okay. We’re still gonna meet, so may pagdadaanan yung relationship namin."
Abangan sina Geoff at Carla sa
Magic Palayok tuwing hapon bago mag-
24 Oras on GMA.
Pag-usapan si Geoff sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get the latest updates on Geoff.
Just type GEOFF (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers,
text GOMMS (space) GEOFF (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.