
Mukhang nakuha ni Shuvee Etrata ang atensyon ng bagong houseguest sa Bahay ni Kuya na si Gerald Anderson.
Sa isang episode ng Pinoy Big Brother, habang nag-uusap ang magka-duo na si Shuvee at Klarisse De Guzman kasama ang Kapamilya actor tungkol sa kanilang napiling charity, may napansin ito sa Sparkle artist.
Naibahagi ni Klarisse na Angat Buhay ang kanilang napiling charity dahil pareho daw sila ng goal.
"We share the same goal, vision, like the same, goal to eradicate poverty, provide medical assistance. Meron din silang rights for education and so, we correlate our goals with them as artists. We want to be the voice for those people na kailangan ng tulong and as much as we can, gusto po namin silang tulungan. So, with this, it is an opportunity for us to really help those people who are in need kasi alam naming may mapupuntahan 'yung perang pwede naming makuha," paliwanag ni Shuvee.
Sa gitna ng pagsasalita ni Shuvee, itinanong ni Gerald kung ito ba ay beauty queen dahil sa pagkamangha nito sumagot pati na din sa kaniyang stunning looks.
Agad namang kinilig ang ibang housemates at pagkasabi ng "oo" ni Shuvee ay sumagot si Gerald ng "Sabi na 'e."
"Yung beauty nandyan na 'e," dagdag ng aktor.
Pumasok si Gerald bilang houseguest sa Bahay ni Kuya nitong Miyerkules, June 11.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 10:05 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, balikan dito ang iba pang naging celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother: