GMA Logo gerald santos
What's Hot

Gerald Santos, pinangalanan ang music director na umabuso umano sa kanya

By Kristine Kang
Published August 28, 2024 4:28 PM PHT
Updated August 28, 2024 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

gerald santos


Tinukoy na ni Gerald Santos ang music director na humalay umano sa kanya noon.

Kasabay sa kaso ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors, nagsalitang muli ang singer na si Gerald Santos tungkol sa kanyang dating reklamo laban sa music director na nanamantala umano sa kanya. na naabuso umano siya ng dating GMA music direktor.

Kamakailan lang, matapat na tinukoy ni Gerald ang dating music director na si Danny Tan, na humalay raw sa kanya noon.

"Ang nanghalay at umabuso sa akin noong ako po ay 15 years old pa lamang [ay] si Mr. Danny Tan," ibinunyag ng singer.

Nagpasalamat din si Gerald sa GMA Network sa pagsibak nito sa dating music director. Binanggit din niya na maaring nagkaroon siya ng lakas na loob noon na maghain ng pormal na kaso kung nalaman niya kaagad ang naging resulta sa imbestigasyon ng network.

"Isa pong kaluwagan sa akin ngayon na malaman officially na mayroong ginawa ang GMA laban sa taong aking inireklamo 19 years ago.

"Kung sana lamang po ay napagbigyan ang aming pormal na kahilingan noong February 28, 2011 na kami ay maabisuhan man lamang po sa naging resulta ng imbistegasyon ng GMA ay maaring noon pa po ay nagkalakas na loob na po kami at nakapag-file ng kaso sa tamang hukuman. Ganoon pa man ay maraming salamat po sa GMA sa aksyon po nilang ginawa sa complain na idinulog ko," sabi niya.

Sa ngayon, wala pa rin pahayag o reaksyon ang panig ng akusadong music director. Ibinunyag naman ng abogado ni Gerald na pinag-aaralan niya ngayon kung ano'ng mga pwedeng ireklamo kay Tan, lalo na't 19 na taon na ang lumipas.

Tingnan ang ilang mga larawan ni Gerald Santos dito: