
Kahit extended ang enhanced community quarantine (ECQ) ay tuloy ang bagong negosyo ni Comedy Queen Aiai delas Alas at kanyang pamilya.
Sinimulan na kasi ni Aiai ang kanyang ube pandesal business, na sa pamamagitan pa lang ng deliveries ang paraan ng pag-order.
Naging family affair na ito dahil ayon kay Aiai, tulung-tulong silang pamilya sa pagpo-proseso ng mga tinapay.
“Ako 'yung nagtitimpla, si Sanji 'yung nagmamasa, kami 'yung nagro-roll, 'yung daughter-in-law ko tsaka si Sofia,” aniya.
“Then, 'yung aking future son-in-law ang nagwe-weigh ng mga ube and cheese. Asawa ko rin ang nagpe-prepare ng breading,” dagdag pa ng aktres.
Sinigurado rin niyang masarap ang produkto nila Martina's Pastries, “'Yung bread namin is made with love kasi kaming buong pamilya na nagmamahalan ang gumagawa ng tinapay.”
Samantala, dahil pa rin sa ECQ ay ginupitan ni Aiai Delas Alas ang asawa niyang si Gerald Sibayan.
Ang trip nila ay gayahin ang hairstyle ng idol niyang si “Itaewon Class” star Park Seo Jun.
Street style at naka-chesnut hairstyle si Seo Joon sa nasabing Korean series. Mahirap itong bagayan bukod pa sa high maintenance rin ito.
Pero dahil failed ang attempt nila ay nagdesisyon na lang si Aiai na kalbuhin ang asawa.
Ayon kay Gerald, papayag umano ulit siyang magpagupit kay Aiai basta gugupitan niya rin ito.
“Basta gugupitan kita [ng kagaya ng kay] Dora,” sabi pa ni Gerald.
Panoorin ang buong 24 Oras report:
IN PHOTOS: Male celebrities' scruffy looks a month into enhanced community quarantine
IN PHOTOS: Quarantine hairstyle of Filipino celebrities