
Tampok ngayong Sabado sa "Inggiterang Kapitbahay" episode ng Wish Ko Lang ang totoong kuwento ng buhay ng pamilya nina Rex at Gina na nagsisikap umasenso sa buhay pero pilit na hinihila pababa ng kanilang mga kapitbahay.
Bibigyang buhay nina Gerard Pizarras at Bernadette Allyson ang kuwento ng mag-asawang Rex at Gina. Makakasama rin nila sa episode na ito sina Shanelle Agustin (May), Gwen Garci (Eloisa), Paolo Serrano (Dante), John Arcenas, at Rubhy Ann Gagarin (Maritess).
Paano kaya haharapin ng pamilya nina Rex at Gina ang paninira at pahirap na dala ng mga inggitera nilang kapitbahay?
Huwag palampasin ang kapana-panabik na episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 10, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: