
Nagkatrabaho na noon sina primetime action hero Ruru Madrid at aktor na si Gerard Pizarras bago pa man maging co-stars sa upcoming action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Ibinahagi ni Gerard ang first impressions niya kay Ruru noong nagkatrabaho sila sa seryeng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.
"13 years ago, may kaeksena ako, parang anak ko siya doon sa eksena. Napakapayat na lalaki nito sa show na Paroa. Action, action ganoon, nakita ko 'tong bata na 'to medyo may pigura, marunong umarte. Sinabi ko sa sarili ko, may future sa action 'to. Hindi po ako nagkamali, siya po si Ruru ngayon na iniidolo niyo, naging action star," paggunita niya.
Inspiring din daw para sa kanya ang makita ngayong si Ruru na malayo na ang narating.
"Noong time na 'yun, noong sinabi ko marunong siyang umarte, hindi ako nagkamali. After many years, awarded na Best Actor in a Supporting Role. Pinanood ko po 'yun (Green Bones). Pinanood ko 'yun before 'yung awarding at sinabi ko talaga sa story, napakagaling nitong taong 'to. He deserves an award and an audience like us kasi matututo tayo eh. Mai-inispire tayo sa tao na 'to," saad ni Gerard.
Sa Lolong: Bayani ng Bayan, gaganap si Gerard sa serye bilang Joshua, stay-at-home dad na nakatira sa bayan ng Tumahan.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 20 sa GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong