
Maghaharap ang dalawang grupo ng online personalities sa exciting na Thursday episode ng Family Feud.
Tampok ngayong August 20 ang grupong Lechoneryas na may inspiring na kuwento mula sa sipag at tiyaga ni Ma. Elena Aguilar.
Tatlong buwan pa lang ang nakalipas nang magsimula siya ng lechon belly business sa Kawit, Cavite gamit ang puhunan na PhP 20,000. Mula sa simpleng family business, mabilis itong lumago at ngayon ay nakakakuha na sila ng 15 hanggang 20 orders ng lechon belly kada araw.
Makakasama niya ang kanyang anak na si Ronela Aguilar Bae, isang sikat na content creator na kilala sa kanyang mukbang videos, pagiging dog lover, at may malaking following sa TikTok. Kasama rin ang kanyang mga kapatid na sina Ella Aguilar Bae at Elaine Aguilar Bae.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Mula naman sa Jose Panganiban, Camarines Norte ang Team “Get Dressed With Me.” Mapapanood sa kanilang grupo ang lifestyle vlogger na si Francis Calma Juntado na may 6.4 million followers online. Hindi lang ordinaryong fashion ang kanyang forte dahil kilala siya sa paggawa ng mga outfit gamit ang unconventional materials gaya ng plastic spoons, drinking straws, at iba pa.
Para sa kanyang Family Feud appearance, may ipakikita siyang dress na gawa sa plastic cups. Tinulungan pa siya ng kanyang partner na si Jaymark Oloresisimo para mabuo ang eye-catching creation. Kasama pa nila sa team ang kapatid ni Francis na si Cesar Calma Juntado, isang artist na mahilig sa painting, at ang girlfriend nitong si Vane Vasquez.
Sino kaya ang mananaig sa labang ito? Abangan sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 20, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.