
Habang isinasagawa nina CJ (Kim Bum) ang operasyon, pinagmamasdan ni Dr. Ahn ang bawat kilos niya!
Napansin nito na ginagawa ni CJ ang nakasanayan ni Henry na pag-ikot ng kamay bago simulan ang surgery. Gulat na gulat din si Dr. Ahn nang bigla itong nagsalita tungkol sa pasyente niya.
Lubos ang pagdududa ni Harisson kay CJ kaya kinompronta niya ito. Umamin naman si Henry (Rain) na siya ang nasa katawan ni CJ.
Halos masiraan ng ulo si Harisson nang banggitin ni Henry ang mga sikreto niya. Ang paghihinala niya ay napalitan ng takot at pangamba!
Ano kaya ang susunod na plano ni Harisson? Itutuloy pa rin kaya nina CJ at Henry ang kanilang ginagawa?
Abangan mamaya sa 'Ghost Doctor,' 10:20 p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'GHOST DOCTOR' SA GALLERY NA ITO:
(Please insert photos from this gallery