GMA Logo Rain Kim Bum
What's Hot

Ghost Doctor: Alam na ni Harisson ang katotohanan!

By Abbygael Hilario
Published November 10, 2022 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Fight continues for Andrei Caracut as Rain or Shine falls short despite explosive first-quarter run
Eastern Visayas’ Tajarros bags 1st gold in 2026 Palarong Pambansa
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Rain Kim Bum


Naging matagumpay ang plano nina Harisson at Dr. Ahn na malaman kung sinasapian nga ba si CJ!

Habang isinasagawa nina CJ (Kim Bum) ang operasyon, pinagmamasdan ni Dr. Ahn ang bawat kilos niya!

Napansin nito na ginagawa ni CJ ang nakasanayan ni Henry na pag-ikot ng kamay bago simulan ang surgery. Gulat na gulat din si Dr. Ahn nang bigla itong nagsalita tungkol sa pasyente niya.

Lubos ang pagdududa ni Harisson kay CJ kaya kinompronta niya ito. Umamin naman si Henry (Rain) na siya ang nasa katawan ni CJ.

Halos masiraan ng ulo si Harisson nang banggitin ni Henry ang mga sikreto niya. Ang paghihinala niya ay napalitan ng takot at pangamba!

Ano kaya ang susunod na plano ni Harisson? Itutuloy pa rin kaya nina CJ at Henry ang kanilang ginagawa?

Abangan mamaya sa 'Ghost Doctor,' 10:20 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'GHOST DOCTOR' SA GALLERY NA ITO:

(Please insert photos from this gallery