
Sa kagustuhan ni Peter na gumanti, ipinahamak niya si CJ (Kim Bum)! Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan para saktan ito. Sa lakas ng hampas nila kay CJ, nakalabas ang kaluluwa ni Henry sa katawan niya.
To the rescue naman ang kaibigan nila na si Tes! Nailigtas sila nito at sugat lang sa braso ang tinamo ni CJ.
Photo source: GMANetwork
Samantala, matapos ang ilang araw, buhay naman ni Henry ang malalagay sa alanganin! Makikita ni Cyrene na unti-unting tumataas ang white blood cells niya na maaaring sanhi ng mas malalang kondisyon!
Papayuhan naman ni Henry (Rain) si CJ na ayusin ang kaniyang trabaho dahil gusto niya na si CJ ang pumalit sa kaniya bilang mahusay na doktor sa kanilang ospital.
Pamamaalam na ba ito? Magigising pa kaya si Henry?
Abangan sa huling apat na gabi ng 'Ghost Doctor,' 10:20 p.m., sa GMA Network!
KILALANIN ANG CAST NG 'GHOST DOCTOR' SA GALLERY NA ITO: