
Muling sumapi ang kaluluwa ni Henry (Rain) sa katawan ni CJ (Kim Bum)!
Ngunit sa gitna ng kaniyang pamamasyal ay nabangga niya ang isang matandang babae na magiging dahilan kung bakit malalagay ang buhay niya sa alanganin!
Hindi kasi maaaring mahiwalay ang kaniyang kaluluwa sa katawan ni CJ habang nasa labas siya ng kaniyang boundary!
Mukhang alam na rin ni CJ ang nangyayari sa kaniya. Susubukan niyang tawagin ang kaluluwa ni Henry para iligtas ang matanda!
SOURCE: GMA Network
Malapit na ring malaman ni Henry ang dahilan kung bakit umalis at biglang bumalik si Cyrene (Uee) sa kaniyang buhay matapos ang labing-dalawang taon!
Mahal pa kaya ni Cyrene si Henry? Ano kaya ang koneksyon nina Henry at CJ sa isa't-isa? Alam na kaya talaga ni CJ na sumasapi ang kaluluwa ni Henry sa kaniya?
Abangan mamaya sa Ghost Doctor, 10:20 p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'GHOST DOCTOR' SA GALLERY NA ITO: