
Nakilala na ni CJ (Kim Bum) ang doktor na sumagip sa buhay niya!
Hindi niya inakala na si Tes ang nagligtas sa kaniya noong bata siya.
Lubos naman ang pasasalamat ni CJ dahil binigyan siya ni Tes ng pagkakataon para muling makasama ang mga mahal niya sa buhay.
Napagdesisyunan na rin ni CJ na bumalik sa kaniyang trabaho para pigilan si Cyrene sa balak nito na ilipat si Henry (Rain) sa ibang ospital.
Handa na rin si CJ na harapin ang hamon ng pagiging isang doktor.
Hihingin niya ang tulong ni Henry para mas matuto pa sa kaniyang propesyon.
Matututo na kaya si CJ na mag-opera? Magagawa na kaya niya ito ng mag-isa? Kailan kaya magigising si Henry?
Abangan sa huling dalawang linggo ng Ghost Doctor, 10:20 p.m., sa GMA Network!
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG GHOST DOCTOR SA GALLERY NA ITO: