GMA Logo Rain, Kim Bum
Source: GMA Network
What's Hot

Ghost Doctor: Ipinahiya ni Henry si CJ!

By Abbygael Hilario
Published October 12, 2022 8:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Rain, Kim Bum


Marami na ang naiinis kay Henry dahil sa kaniyang kasungitan ngunit mawawala kaya ito sa pagbalik ng kaniyang ex-girlfriend na si Cyrene?

Mukhang lumalala ang pagiging arogante at masungit ni Henry (Rain) na hindi na ikinatutuwa ng ibang mga kasamahan niya sa ospital.

Nakahanap naman siya ng kaniyang katapat sa pagdating ni CJ (Kim Bum), isang masuwerte at mayamang doktor na ubod ng talino ngunit hindi magawa ng tama ang kaniyang trabaho dahil sa takot niya sa dugo.

Sa mata ni Henry ay ubod ng yabang ni CJ, kung kaya't ipinahiya niya ito sa harap ng mga interns.

Uee Rain

SOURCE: GMA Network

Apektado naman si Henry sa pagbalik ng kaniyang ex-girlfriend na si Cyrene (Uee)!

Sa pagpunta niya sa kaniyang secret place para magkape, nadatnan niya itong may hawak din ng parehong inumin na ikinagulat niya.

Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa? Mababawasan na kaya ang pagiging masungit ni Henry sa pagdating muli ng kaniyang dating minamahal? Kailan kaya matututunan ni CJ ang pag-oopera?

Abangan mamaya sa Ghost Doctor, 10:20 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'GHOST DOCTOR' SA GALLERY NA ITO: