GMA Logo Rain and Kim Bum
What's Hot

'Ghost Doctor,' mapapanood na sa GMA Telebabad!

By Abbygael Hilario
Published October 11, 2022 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Rain and Kim Bum


Mapanood na sa GMA-7 ang fantasy-medical Korean drama series na 'Ghost Doctor'!

Isa na namang Korean drama ang inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!

Ang fantasy-medical Korean drama series na 'Ghost Doctor,' mapapanood na mamaya sa GMA!

Kilalanin sina CJ (Kim Bum) at Henry (Rain), ang dalawang doktor na magpapaalala sa atin kung ano ang kahalagahan ng buhay at pag-ibig.

Si Henry ay isang genius doctor. Ibang level ang galing niya pagdating sa medisina ngunit wala siyang pakialam sa ibang tao o bagay bukod sa career niya.

Kabaliktaran naman niya ang resident surgeon na si CJ (Kim Bum), isang masuwerte at mayamang doktor dahil sa kaniyang lolo na founder ng isa sa mga pinakakilalang ospital sa kanilang bansa.

Kahit na matalino siya, hindi niya magawa nang maayos ang kaniyang trabaho dahil may takot siya sa dugo. Hinihintay niya lang ang araw na maipamana sa kaniya ang ospital ng kaniyang lolo at maging isang ganap na direktor nito.

Magtatagpo ang kanilang landas matapos ang isang aksidenteng kasasangkutan ni Henry. Magiging comatose ito at sasapi ang kaniyang kaluluwa sa katawan ni CJ.

Ano kaya ang magiging koneksyon ng dalawa? Magigising kaya si Henry mula sa kaniyang pagka-coma? Matututunan kaya ni CJ kung paano mag-opera mag-isa?

Alamin sa 'Ghost Doctor,' 10:20 p.m., sa GMA Network!

SAMANTALA, PANOORIN ANG FULL TRAILER NG 'GHOST DOCTOR' DITO.