
Nakita ng mama ni CJ (Kim Bum) na may kausap ang kaniyang anak na hindi nakikita ng kaniyang dalawang mata. Natakot siya na baka malaman ito ng ibang tao kung kaya't pinabura niya ang mga kuha ng CCTV sa ospital.
Nagulat naman siya nang pumasok si Harisson sa opisina at sabihing alam na niya ang katotohanan dahil bata pa lamang si CJ ay nakikitaan niya na ito ng kakaibang kilos.
Nagdududa na rin ang ibang mga doktor kay CJ.
Dalawang beses siyang sinapian ni Henry (Rain) para magawa ang mahihirap na operasyon. Kasabay ng pag-ingay ng kaniyang pangalan bilang isang magaling na surgeon ay ang pagdududa ng iba niyang katrabaho na may sumasanib sa kaniyang katawan.
Mabubuking na kaya sila CJ at Henry? Hanggang kailan nila ipagpapatuloy ang kanilang ginagawa?
Abangan mamaya sa 'Ghost Doctor,' 10:35 p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'GHOST DOCTOR' SA GALLERY NA ITO: