
It's all about girl power ngayong weekend sa GTV!
Huwag palampasin ang American war drama film na G.I. Jane mula sa award-winning director na si Ridley Scott.
Pinagbidahan ito ni Demi Moore na gumanap bilang Lieutenant Jordan O'Neil, ang nag-iisang babaeng sasailalim sa special operations training kasama ang isang grupo ng mga kalalakihan.
Magtatagumpay kaya siya?
Abangan 'yan sa G.I. Jane, November 5, 7:00 p.m. sa G!Flicks.
Para naman sa fans ng disaster films, nariyan ang Miami Magma.
Kuwento ito ng dalawang female scientists na susubukang pigilan ang illegal oil drilling na maaaring mag-trigger ng isang bulkan sa ilalim ng Miami.
Makikinig ba sa kanila ang mga kinauukulan?
Tunghayan 'yan sa Miami Magma, November 6, 10:45 p.m. sa The Big Picture.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.