
Nagbabalik ang one-of-a-kind Kapuso teleserye na My Korean Jagiya sa GMA Telebabad!
Sa November 23 (Lunes) episode nito, nakatungtong na sa wakas ang K-drama fangirl na si Gia (Heart Evangelista) sa Seoul, South Korea. Ngayong nasa Seoul na siya, minabuti ni Gia na puntahan ang lahat ng shooting locations na napanood sa mga drama ng idol niyang si Jun Ho (Alexander Lee).
Miss na miss na ni Gia ang kaniyang iniidolo dahil seven years na pala itong walang bagong project at wala ring nakakaalam kung nasaan na ang dating aktor.
Nang makapunta si Gia sa set ng "My Jagi House," ang pinakamalaking project ni Jun Ho, dito niya makakabangga ang lalaking matagal na niyang pinapangarap!
Tunghayan ang mga nakaka-K-lig na tagpo sa My Korean Jagiya, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).