
Kilig Tuesday ang inihanda ng Family Feud this week!
Ngayong January 27, mapapanood natin ang dalawang love-filled teams na Maigue-Magdangal Family at Team Paris sa Family Feud stage.
Tampok sa Maigue-Magdangal Family ang talented real-life couple. Ang singer, actor, and musical theater artist na si Gian Magdangal at ang classical singer and songwriter na si Lara Maigue. Makakasama pa nila ang mga kapatid ni Lara. Ang fitness trainer na si Danya Maigue at ang visual artist na si Galan Maigue.
Makakatapat nila ang Team Paris na pangungunahan ng newly-engaged content creators na sina Baninay Bautista and Bont Bryan. Makakasama naman nila ang mommy ni Bont na si Edna Oropel, at ang kaibigan nilang si Kris Villaflor.
Kilig at good vibes ang ating aabangan ngayon January 27 sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!