GMA Logo Gian Magdangal sa Abot kamay na pangarap
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Gian Magdangal, bagong guest sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published October 31, 2023 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippine FDI net inflows down 25.8% to $320M in September 2025 —BSP
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Gian Magdangal sa Abot kamay na pangarap


Tampok si Gian Magdangal sa GMA's top-rating series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

May bagong guest star sa patuloy na nagte-trending at top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Siya ay ang musical artist at aktor na si Gian Magdangal.

Sa previous episodes ng serye, natunghayan ng viewers ang paglabas ng karakter ni Gian.

Napapanood siya sa medical drama series bilang isa sa mga negosyanteng may kaugnayan sa APEX Medical Hospital.

Sa ilang mga eksena, napanood na napahiya ang mga Tanyag dahil kinumpirma niya na hindi na ibebenta ang APEX kina Lolo Pepe (Leo Martinez), Madam Giselle (Dina Bonnevie), at Doc RJ (Richard Yap).

Kakampi nga ba siya ni Moira (Pinky Amador)?

Abangan ang iba pa niyang mga eksena sa susunod na episodes ng serye.

Samantala, ilan sa mga unang napanood bilang guests din sa serye ay ang Legaspi siblings na Mavy at Cassy Legaspi, Arny Ross, Pekto, Betong Sumaya, Max Collins, at marami pang iba.

Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa serye:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: