
Kaniya-kaniyang paandar ang maraming celebrities at media personalities sa kanilang looks sa ginanap na GMA Gala 2023 kamakailan.
Ang Sparkle stars at real-life couple na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales, nag-ala Disney prince and princess naman sa kanilang napiling matching outfits.
Kuwento ni Gil sa panayam sa kaniya ng GMANetwork.com tungkol sa kanilang look ng ka-date niyang si Lexi, “She wanted to look like a Disney princess, not a specific Disney princess but the vibe or the feel of a Disney princess.
“Ako naman I have to look a bit like a prince charming in a way to match her. So I hope we pulled it off.”
Dagdag pa niya, “She looks so very elegant, very beautiful and I'm a lucky guy to have her as a date.”
Kung pagiging prinsipe at prinsesa rin ang pag-uusapan, masaya rin ang dalawa sa pagiging isang fundraising event ng GMA Gala 2023.
“Of course iba 'yung feeling 'di ba na you are having fun and at the same time alam mong nakakatulong ka,” ani Lexi.
Para naman kay Gil, paraan ito ng GMA Network upang masuklian ang sipag ng mga artista at mga mangagawa, at makatulong sa mga lubos na nangangailangan.
Aniya, “It's a network's way of giving back. You know we have a lot of very talented artists and even hardworking staff from the network, showing our appreciation, especially to those who need a lot of help and those who are not as fortunate as we are.”
Samantala, trending at hot topic pa rin sa social media ang GMA Gala 2023 na dinaluhan hindi lamang ng Sparkle at Kapuso Stars kung 'di maging ng iba pang celebrities at social media personalities.
SILIPIN NAMAN ANG STUNNING LOOKS NG CELEBRITY COUPLE AND LOVE TEAMS SA GMA GALA 2023 DITO: